Tuesday, March 28, 2017

SURING-BASA



Talambuhay
Marso 19, 1888 ipinanganak si Iñigo ed Regaladosa Samapalok, Manila. Siya ay anak nina Iñigo ed Regalado y Corcueca at Saturnina Reyes.
Nag-aral siya sa Escuela Municipal de Sampaloc at nakuha niya  ang kanyang per ito Merchant sa Colegio Filipino, ang Bastilyer sa Sining sa Liceo de Manila at ang kanyang Bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts) kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta at naging kaklase niya naman si Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino.
Kilala siya bilang maka ng pag-ibig. Hindi lamang siya makata, isa rin siyang kwentista, nobelista at peryodista. Kung si Odalager ay nakilala nilang isang kwentista, nobelista at mamamahayag sa larangan ng panitikan, higit siyang makata dahil sa kanyang mga tula kung saan madarama mo ang linamnam ng kanyang panulat. Naging paksa ng kanyang mga tula ang buhay at maging agn mga bagay-bagay sa kapiligiran.
Noong 1968 tumnggap siya ng Republc Curtural  Heritage Award for Literature. Ilan sa kanyang mga naisulat ay ang Samapaguitang Walang bango, May pagsinta’y Walang Puso at Dalaginding.
Sa mga tulang naisulat niya ay mababanggit ang Sabi Ko Na Nga Ba, Dahil sa Pag-ibig Kahapon, Madaling Araw at Kung Magmahal ang Isang Dalaga. Ang tula niyang nagbigay  sa kanya ng kanya ng di kakaunting karangan ay ang Laura. Tumnggap rin siya rito ng gantimpala mula sa Samahang Mananagatog. Pinaksa ng tulang ito ang mga katangian nni Laura, ang musa  ni Balagtas sa Florante at Laura.


DAHIL SA PAG-IBIG KAHAPON…
(Iñigo ed Regalado)

Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang maliit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.

NGAYON…
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.

NGAYON…
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.

BUKAS…
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya…





PAGSUSURI

May-akda : Iñigo ed Regalado
Pamagat ng akda: Dahil sa Pag-ibig Kahapon

ELEMENTO NG TULA:
Sukat – sinasabing ito ay may labindalawang pantig
Tugma – sinasabing may tugma ang tulang ito sapagkat ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
Talinghaga – isang sangkap ng tula na may kinlaman sa tinatagong kahulugan